3 motor nagkarambola: 2 patay, 5 sugatan
Namatay agad sa pinangyarihan ng aksidente dahil sa mga grabeng sugat sa ulo at katawan si Joseph Gonzales, 25, binata ng Brgy. Montecillo samantalang dead-on-arrival (DOA) sa Peter Paul Hospital sa Candelaria, Quezon ang 16-anyos na binatilyo ng nasabi ring barangay.
STAR/File

3 motor nagkarambola: 2 patay, 5 sugatan

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

SARIAYA, Quezon, Philippines — Dalawa katao ang kumpirmadong patay habang limang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang magkarambola ang tatlong motorsiklo sa barangay road na sakop ng Brgy. Lutucan Malabag ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Namatay agad sa pinangyarihan ng aksidente dahil sa mga grabeng sugat sa ulo at katawan si Joseph Gonzales, 25, binata ng Brgy. Montecillo samantalang dead-on-arrival (DOA) sa Peter Paul Hospital sa Candelaria, Quezon ang 16-anyos na binatilyo ng nasabi ring barangay.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-9:00 ng gabi ay minamaneho ni Gonzales ang isang Yamaha Mio at nakaangkas si Mark Bryan Espiritu patungo sa isang burger kiosk.

Pagsapit sa kurbada ay natumbok silang bang­gain ng kasalubong na XRM motorcycle na mina­maneho ni Javier at naka-backride ang isa pang 16-anyos na binatilyo.

Kapwa sumemplang ang dalawang motorsiklo at ang mga sakay nito sa lakas ng banggaan.

Tiyempo namang parating ang motorsiklo ni Mark Anthony Tolentino na may backride na dalawa na sina Edzel Mayuga at Cris Mark Formalejo kung kaya’t bumangga rin sa mga mga naunang sumemplang.

Ginagamot ngayon sa ospital sina Tolentino at apat na backrider ng tatlong motorsiklo.

MOTOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with