Mag-asawa huli sa P7 milyong shabu buy-bust
Sinampahan na ng kasong paglabag ng Re­public Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nadakip na bigtime drug dealers na sina Busran Saripada Busran alyas Commander Manong, 64, at Monira Alipapa Ampatua, 46, kapwa residente ng Purok 2, Barangay West Kilikili, Wao.
STAR/File

Mag-asawa huli sa P7 milyong shabu buy-bust

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang isang mag-asawa na sangkot umano sa malawakang pagtutulak ng ilegal na droga matapos na makuhanan ng halos P7 milyong ha­laga ng shabu sa buy-bust operation ng PNP Drug Enforcement Unit at Lanao del Sur Provincial Police Office sa Wao, Lanao del Sur, iniulat kahapon ng pulisya.

Sinampahan na ng kasong paglabag ng Re­public Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga nadakip na bigtime drug dealers na sina Busran Saripada Busran alyas Commander Manong, 64, at Monira Alipapa Ampatua, 46, kapwa residente ng Purok 2, Barangay West Kilikili, Wao.

Ayon kay Lanao del Sur Police Provincial director P/Col. Rex Derilo, matagal na nilang isinailalim sa surveillance ang mag-asawa hanggang sa makumpirma ang illegal activities nito at isinagawang buy-bust operation.

Nakuha mula sa mga suspek ang isang kilo ng suspected shabu na tinatayang mayroong street value na halos P7-milyon.

BUY BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with