Bomber ng BIFF utas sa shootout
Kinilala ang suspek na si Abdul Rashid Soledad Lamalam alyas “Amher”, nasa hustong gulang at residente ng Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao.
STAR/File

Bomber ng BIFF utas sa shootout

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Napatay ang isang hinihinalang bomber ng lokal na teroristang Bangsa­moro Inslamic Freedom Frighters (BIFF) matapos manlaban sa mga otoridad sa isang police checkpoint sa EJC Montilla, Tacurong City, Sultan Kudarat, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Abdul Rashid Soledad Lamalam alyas “Amher”, nasa hustong gulang at residente ng Pagagawan, Datu Montawal, Maguindanao.

Ang suspek na sinasabing tauhan ni Abu Toreife ng BIFF ay nakasuot ang suspek ng gray sweat shirt, black pants at dilaw na helmet at sakay ng motorsiklo nang parahin ng otoridad sa checkpoint sa alas 5:45 ng umaga.

Sa halip na sumunod, bumunot umano ng baril at nagpaputok ang suspek dahilan para gumanti ng putok ang mga otoridad bagay na ikinasawi ng una.

Narekober sa pag-i­ingat ng suspek ang isang caliber 45 pistol, PC MK2 hand grenade, mga sangkap ng pampasabog (IED) mula sa Mamasapano, Maguindanao na ipapasok sana sa Sultan Kudarat at isang motorsiklo.

Pinuri naman ni Major General Juvymax Uy, commander ng 6ID at Joint Task Force Central ang tropa ng JTF Central at iba pang ahensya ng pamahalaan hinggil sa pagkakapaslang sa nasabing suspected bomber.

BIFF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with