22 police trainee tinamaan ng COVID-19

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 22 police trainees­ sa Regional Police Training Center sa Tacloban City ang nagpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Senior Sgt. Lalaine Rosales, information officer ng training­ center sa San Jose District, ang 22 pulis ay bahagi ng 241 na bagong recruit na mga pulis.

Nabatid na pawang asymptomatic naman ang 22 pulis trainee at dinala na sa isolation facility.

Lumalabas na Oktubre 30 nang dumating sa Regional Police Training­ Center ang 241 na police trainees. Lima sa kanila ang nakitaan ng sintomas ng sipon at pananakit ng lalamunan at isinailalim sa  swab test noong Nov. 13 at apat dito ang nagpositibo.

Dahil dito, isinailalim sa swab test ang lahat ng nakasalamuha ng apat kaya 19 pa ang lumabas na positibo sa COVID gayundin ang isang mess hall server at dalawang training personnel.

COVID-19 POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with