PAF chopper bumagsak sa Lanao del Sur, 1 dedo

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

Lulan ang mga sundalong sugatan sa pagsabog

MANILA, Philippines — Isang sundalo ng Philippine Air Force (PAF) na nasugatan sa pagsabog ang patay nang mag-crash ang kanilang sinasakyan chopper habang patu­ngo sa ospital kamaka­lawa ng hapon sa Lanao del Sur.

Sa report ng Western­ Mindanao Command (WestMinCom), nagsa­gawa ng air evacuation ang PAF UH1H helicopter sa mga sundalong nasugatan sa pagsabog ng isang improvised explosive device (IED) sa lugar.

Alas-4:15 ng hapon nang makuha ang suga­tang sundalo at mag-take off ang chopper sa Barangay Lilitun nang bigla na lamang itong bumagsak.

Bahagyang nasuga­tan ang piloto, crew at iba pang sakay ng chop­per pero minalas na matuluyan ang nasabing PAF soldier.

Samantala, ipina­abot naman ni 1st Infantry Division Commander Maj. Gen. Gene Ponio ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng nasawi.

“We have done every­thing just to save our wounded soldier the fastest way we can thru our air assets, unfortunately the incident happened,” ani Ponio.

PHILIPPINE AIR FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with