12 preso sa Ilocos Norte jail, positibo sa COVID-19

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

Sa unang araw ng MECQ

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Bumulaga sa unang araw ng pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Laoag City matapos magpositibo ang isang dosenang detainees sa Ilocos Norte Provincial Jail na nahawa sa kanilang mga guwardya kahapon.

Kasabay ng nakapanlulumong balita ay ang opis­yal na paglabas ng deklarasyon ng MECQ ni Governor Mathew Manotoc sa lungsod sa pamamagitan ng Executive Order 104 na naglilimita sa paggalaw ng tao upang mapadali ang pagsasagawa ng contact tracing.

Ayon sa gobernador, bukod sa 12 detainees, isang bababeng sekyu at 68-anyos na tindera ng isda ang humabol sa talaan ng Laoag City Health Office na nagpalobo sa bilang na 51 aktibong kaso ng COVID-19.

Nabatid na nakuha ng mga preso ang virus mula sa anim na kawani ng Provincial Jail na unang nag­positibo sa COVID-19.

Ang mga nagpositibong detainees na pa­wang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ay inilipat sa isolation Unit ng naturang piitan.

Dahil dito, nanga­ngamba ang awtoridad na marami pa ang maida­dagdag sa talaan kasunod ng pag-arangkada ng mass testing na isasagawa ng Department of Health sa Laoag City sa kasagsagan ng MECQ.

Nakasaad rin sa guidelines ng ipinalabas na MECQ ang pagtakda ng curfew sa lungsod mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng mada­ling araw gayundin ang mahigpit na pagbabawal sa pag-inom ng alak.

MECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with