^

Probinsiya

30 food order dineliver sa iisang bahay sa Cebu

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa palpak na internet connection

MANILA, Philippines — Isinisi sa umano’y palpak na internet connection ang pagkasayang ng libu-libong pisong halaga ng pare-parehong order na pagkain ng isang bata matapos mai-deliver sa iisang address ng bahay sa Cebu City.

Batay sa ulat nitong Biyernes, umabot sa 30 food delivery riders ang nagsidatingan sa isang bahay­ sa Barangay Mabolo ng lungsod upang mag-deliver ng pare-parehong order na chicken fillet at French fries.

Napag-alaman na isang 7-anyos ang umorder at nagpa-deliver ng fries at chicken fillet mula sa isang fastfood chain. Ngunit dahil sa pagloloko ng koneksyon ng internet, hindi inakala ng bata na maraming beses na siyang nakapag-send ng kanyang transaction order.

Ayon sa ulat, aabot sa 40 na food riders ang nai-book ng bata, pero 30 lamang ang dumating sa lugar dahil na-cancel na ang ibang order nito.

Dahil sa insidente, naawa ang mga kaibigan ng mga driver o courier at binili na lamang nila ang ilang mga order.

vuukle comment

FOOD DELIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with