5 tulak timbog sa P140K shabu
Ayon kay Police Colonel Marvin Joe Saro, Nueva Ecija Police provincial director, nakasamsam ng 17 sachet ng shabu ang Nueva Ecija Police Special Drug Enforcement Units na aabot sa mahigit Php140,000 na halaga mula sa 5 nahuling suspek.
Boy Santos, File

5 tulak timbog sa P140K shabu

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Naaresto ng pulisya ang limang tulak umano ng ipinagbabawal na droga, kabilang ang isang itinuturong lider ng Zaldy Drug Group sa sabayang buy-bust operations sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan, nitong Miyerkules.

Ayon kay Police Colonel Marvin Joe Saro, Nueva Ecija Police provincial director, nakasamsam ng 17 sachet ng shabu ang Nueva Ecija Police Special Drug Enforcement Units na aabot sa mahigit Php140,000 na halaga mula sa 5 nahuling suspek.

Naaresto, bandang alas-9:00 ng umaga ng Palayan City Police ang suspek na si Elizalde Vicente, alyas “Zaldy”, 49,ang umano’y lider ng Zaldy Drug Group, may-asawa ng Barangay Marcos Village, Palayan City.Nakuhanan siya ng 4-pirasong transparent plastic sachet ng umano’y shabu na may timbang na humigit-kumulang sa 20 grams at estimated value na P136,000.

Nadakip bandang ala-1:20 ng hapon ng Sta. Rosa PNP ang suspek na si Victorino Cristobal,38,may-asawa ng Barangay Inspector, Sta.Rosa at nakumpiska ang limang piraso ng sachet ng umano’y shabu ang nakumpiska sa kanya na may timbang na 0.60 grams at halagang P5,000.

Nahuli naman bandang alas-9:15 ng gabi ng Muñoz City Police ang isang Marvin Tenjoco, alyas “Pusa”, 29, ng Barangay Bical; at isang Aprilyn Joy Candol, 21, ng Barangay Bantug. Lima ring piraso ng sachet ng umano’y shabu ang nakumpiska sa dalawa na hindi pa tukoy ang timbang at halaga.

Naaresto sa bayan ng bayan Sto. Domingo, alas-10:15 ng gabi si Bennibeth Gines,44,ng Brgy. Burgos at nakumpiska ang 3-pirasong sachet ng umano’y shabu. Ang limang nadakip na suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa sections 5 and 11, article II ng RA 9265 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with