Jueteng sa Albay at Bicol, sugpuin-Gen.Sinas
Isa ang ilegal na sugal sa limang pangunahing programa na mahigpit na ibinilin ni Gen.Sinas sa kanyang talumpati sa Camp Gen.Simeon Ola bilang bahagi ng kanyang direktiba para malinis sa katiwalaan ang hanay ng pambansang pulisya.
STAR/File

Jueteng sa Albay at Bicol, sugpuin-Gen.Sinas

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Ipinag-utos ni Gen.Debold Sinas,hepe ng pambansang pulisya (PNP) sa Police Regional Office (PRO) 5 sa pangunguna ng regional director nito na si Brig.Gen.Bartolome Bustamante na patigilin ang operasyon ng jueteng at pa-bookies sa lalawigan ng Albay at Bicol sa kanyang ginawang command visit dito kahapon.

Isa ang ilegal na sugal sa limang pangunahing programa na mahigpit na ibinilin ni Gen.Sinas sa kanyang talumpati sa Camp Gen.Simeon Ola bilang bahagi ng kanyang direktiba para malinis sa katiwalaan ang hanay ng pambansang pulisya.

Ayon kay Sinas, “at all cost” ay kailangang patigilin ang ilegal na sugal at para magawa ito ay walang sinumang dapat na tatanggap ng payola.

Sinabi nito na isinama mismo niya ang general ma­nager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ginawang command visit sa PRO5 para maturuan ang mga pulis nang gagawin kung paano matitigil ang pa-bookies sa legal na operasyon PCSO sa Albay.

Kailangang ang legal na patayaan lang ng PCSO ang mag-operate dahil nakatutulong ang pondo nito sa kahirapan ngayon sanhi ng pandemya at kalamidad.

Ang jueteng sa Albay ay hindi matigil-tigil kahit nasa panahon noon ng general community quarantine (GCQ) dahil sa pandemya.

DEBOLD SINAS PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with