Pulis na killer ng abogado, arestado

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

PALAWAN, Philippines — Arestado  ang isang pulis na kasama sa  siyam na sinampahan ng kasong murder dahil sa  pagpatay kay Atty. Eric Jay Magcamit noong Nob­yembre 17 sa Narra, ­Palawan.

Ayon kay PNP Chief, Police General Debold Sinas nasa restrictive custody na ng Palawan Police Provincial Office si Police Senior Master Sergeant Ariel Pareja habang inihahanda ang kasong administratibo laban dito.

Kinasuhan din sa Palawan Provincial Prosecutor’s Office sina Jazer del Rosario, Marcelino Quioyo, at anim na John Does na sinasabing responsable sa pamamaslang kay Magcamit.

Si Del Rosario ang nakita sa CCTV na isa sa magkaangkas na suspek na bumaril kay Magcamit.Sinasabing miyembro rin si Del Rosario ng gun for hire.

Sa report na  natanggap ni  Sinas mula kay MIMAROPA PNP Regional Director, Police Brigadier General Pascual Muñoz, lumilitaw na nagmu-moonlighting bilang bodyguard si Pareja kay Quioyo  na sangkot sa  kaso ng land dispute.

Nagsisilbi namang abo­gado si Magcamit ng kalaban ni Quioyo.

PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with