Faith healer, itinumba

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 27, 2020 - 12:00am

MAKILALA, North Cotabato, Philippines — Namatay noon din ang isang faith healer o albularyo nang ito ay barilin ng isang lalaki kamakalawa sa Purok 28, Brgy. Poblacion sa nasabing bayan at lalawigan.

Ang nasawi ay nakilalang si Ulysses Manligro Mirabueño,residente ng Barangay San Vicente ng nasabing bayan.

Ang suspek na agad naman nadakip ay nakilalang si Robin Sarol Lonzaga,residente ng Brgy.Sto Niño.

Sa ulat, alas-7:30 ng ­umaga ay sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at patungo sa Tulunan nang ito ay lapitan ng suspek na nakasuot ng bonnet at nakamotorsiklo din at pinagbabaril na agad nitong ikinasawi.

Ilang nakasaksi sa krimen ang nagturo sa pulisya kung sino ang suspek na isa umanong hired killer na naaresto sa kanyang bahay at nasamsam ang bonnet, kalibre 38 baril,granada at ang motorsiklo na ginamit sa krimen.

FAITH HEALER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with