Fish dealer binoga sa daan bago hinoldap
Nang magtapat sila ay agad pinaputukan ng suspek ang biktima sa gawing likuran nito na sumapol sa kanyang batok. Dahil dito, bumangga ang tricycle ng biktima sementadong gutter ng kalsada.
STAR/ File

Fish dealer binoga sa daan bago hinoldap

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

SAN LEONARDO, Nueva Ecija, Philippines —  Agaw-buhay ang isang fish dealer makaraang barilin ng naka-motorsiklong holda­per at tangayin ang kanyang mga mamahaling cellphone at cash money habang bumabagtas ang biktima sakay ng tricycle sa kahabaan ng Jaen Diversion Road sa Brgy. San Anton, dito, kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng San Leo­nardo Police ang biktima na si Romeo Castro, 51-anyos, may-asawa ng Brgy. San Vicente, Jaen, Nueva Ecija, na nilalapatan ng lunas sa Nueva Ecija Medical Center sa bayang ito.

Ayon sa pulisya, bandang alas-3 ng mada­ling-araw noong Martes, patungo sa mga kliyente nito sa palengke ang biktima sakay ng tricycle, nang tila mag-o-overtake sa kanyang likuran ang hindi kilalang suspek na sakay naman ng motorsiklo.

Nang magtapat sila ay agad pinaputukan ng suspek ang biktima sa gawing likuran nito na sumapol sa kanyang batok. Dahil dito, bumangga ang tricycle ng biktima sementadong gutter ng kalsada.

Sa pagkakadiskaril ng biktima, huminto at bumaba sa kanyang mo­torsiklo ang suspek at kinuha ang Oppo cellphone at P6,000 cash ng biktima na nasa sling bag nito.

Ayon sa pulisya, ma­aari umanong matagal nang nakabuntot ang suspek sa biktima at nang makatiyempo ay binaril ang biktima at naisa­gawa ang masamang plano nito. 

FISH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with