8 inmate sa Davao City jail nagpositibo sa COVID-19, 1 tigok
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology XI (BJMP-XI), unang dinala sa Southern­ Philippines Medical Cen­ter matapos mahirapang huminga at na-diagnose na mayroong pulmonary­ congestion secon­dary­ to end stage renal failure­ ang isang inmate hang­gang sa lumabas na po­sitibo siya sa CO­VID-19 at namatay noong Nobyembre 19.
Miguel De Guzman

8 inmate sa Davao City jail nagpositibo sa COVID-19, 1 tigok

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walong preso ng Davao City Jail-Male Dormitory ang nakumpirma ng Department of Health (DOH) na nagpositibo sa COVID-19 at isa rito ang namatay dala na rin ng komplikasyon.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology XI (BJMP-XI), unang dinala sa Southern­ Philippines Medical Cen­ter matapos mahirapang huminga at na-diagnose na mayroong pulmonary­ congestion secon­dary­ to end stage renal failure­ ang isang inmate hang­gang sa lumabas na po­sitibo siya sa CO­VID-19 at namatay noong Nobyembre 19.

Bago pa man umano dalhin sa ospital ang pasyenteng preso, nakahiwalay na siya kasama ng iba pang may sakit sa isang isolation facility upang isailalim sa RT-PCR test.

Dahil dito, nagpatupad ng jail lockdown para sa decontamination procedure at pansamantalang sinuspinde ng BJMP ang pagtanggap ng bagong mga detainee sa naturang pasilidad hanggang makontrol ang sitwasyon.

Naka-quarantine na ang pitong inmate na nagpositibo sa virus habang isinasagawa ng jail nurses ang health monitoring, screening­, at contact tracing sa mga close contact at nakasa­lamuha ng mga nagposi­tibong inmate na aabot sa 137 detainees.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with