Tattoo/photo shop pinasok: Higit P100K nakulimbat

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - November 26, 2020 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Aabot sa mahigit sa P100,000 na halaga­ ng mga kagamitan sa pagta-tattoo at pera ang natangay ng tatlong suspek matapos nilang pasukin at magnakawan ang isang tattoo/photo shop sa Brgy. Panapaan, Bacoor City kamakalawa ng hapon.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Christian Jovita, alas-12:40 ng tanghali nang pasukin ng mga ‘di kilalang suspek ang Shutterink Tattoo and Photography Shop na nasa 2nd floor ng JS Building sa Km. 17 Aguinaldo Highway, Panapaan IV.

Sinira ng mga suspek ang door lock ng maindoor at dito dumaan papasok sa shop. Kinulimbat ng mga suspek ang may 20 piraso na mga tattoo machine na nasa P55,000 ang halaga, isang Cannon 600D ca­mera na nagkakahalaga ng P20,000, isang pirasong Xiomiyi Action camera (P10,000 worth), isang Ipod touch (P2,500), isang Makita electric drill (P5,000), isang cable Extension cord (P1,000) at anim na cable­ wire (P5,000).

Tinangay din ng mga suspek ang pera sa kaha at iba pang mahahalagang gamit sa loob ng shop.

Nakilala naman ng isang empleyado rito na si Marvibelle Blanco, 30, ang diumano’y isa sa mga suspek na si Robert Japson alias Bert, 34-anyos na kasamang pinaghahanap ng pulisya.

CHRISTIAN JOVITA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with