Abogado tinodas ng riding-in-tandem
Ang nasawi dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay inilalang si Atty. Joey Luis Wee, 51.
STAR/ File

Abogado tinodas ng riding-in-tandem

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

MANILA,Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang abogado nang barilin ng riding-in-tandem sa harap ng kanyang opisina,kamakalawa ng hapon sa Brgy.Kasambagan ng lungsod  na ito.

Ang nasawi dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay  inilalang si Atty. Joey Luis Wee, 51.

Batay sa report ng Cebu City Police Office (CCPO), bago naganap ang krimen,ala-1:30 ng hapon ay kararating lang ng biktima sa kanyang  opisina sa Alchi Business Center J. Panis St. Barangay Kasambagan.

Habang papasok na ang biktima  sa kanyang opisina na nasa ikatlong palapag ay sinundan ito ng dalawang lalaki at saka pinagbabaril.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang mga suspek  sakay ng hindi naplakahang motorsiklo.

Hinala ng pulisya na ang motibo ng pagpatay sa biktima ay ang mga hawak nitong kaso ng ilang tiwaling kawani at opisyal sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with