Propesor utas sa salpok ng trak
Ang namatay dahil sa pinsalang natamo sa ulo at katawan ay nakilalang si Roberto Liwag ng Don Ma­riano Marcos Memorial State University,La Union campus.
STAR/ File

Propesor utas sa salpok ng trak

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasawi noon din ang isang 54-anyos na propesor matapos sumalpok ang minamaneho nitong van sa isang trak sa highway ng Brgy. San Benito Norte, Ari­ngay, La Union ,kamakalawa ng gabi.

Ang namatay dahil sa pinsalang natamo sa ulo at katawan ay nakilalang si Roberto Liwag ng Don Ma­riano Marcos Memorial State University,La Union campus.

Sa ulat,alas-10:00 ng gabi ay binabagtas ng biktima ang nasabing highway pauwi sa kanilang bahay mula sa isang okasyon nang sumalpok sa  trak na umaatras para pumarada.

Sa lakas nang pagkasalpok ay namatay noon din ang biktima habang ang truck driver na si Michael Anthony Colcol ay agad na inaresto at nakatakdang ka­suhan ng criminal.

DON MARIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with