75-anyos na trader, itinumba
Nabatid sa ulat na bandang alas-12:45 ng tanghali noong Lunes, minamaneho ng biktima ang kanyang ­Toyota Fortuner, may plakang UPQ-427, at patungo umano sa Cabanatuan City nang tapatan siya ng salarin na naka-motorsiklo at walang habas na pagbabarilin.
STAR/ File

75-anyos na trader, itinumba

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

STA. ROSA, Nueva ­Ecija, Philippines — Nasawi ang isang 75-anyos na negosyanteng lalaki makaraang tambangan ng mga hindi kilalang salarin habang mag-isang binabagtas ang kahabaan ng Sta. Rosa Bridge sakay ng kanyang sport utility vehicle (SUV) sa Barangay La Fuente ng bayang ito, kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ni Police Major Fortune Dianne Bernardo, officer-in-charge ng Sta. Rosa PNP, ang biktima na si Nicasio Yuson Jr., negos­yante, may-ari ng isang manggahan at residente ng Barangay Sapang, Jaen, Nueva Ecija.

Nabatid sa ulat na bandang alas-12:45 ng tanghali noong Lunes, minamaneho ng biktima ang kanyang ­Toyota Fortuner, may plakang UPQ-427, at patungo umano sa Cabanatuan City nang tapatan siya ng salarin na naka-motorsiklo at  walang habas na pagbabarilin.

Agad na tumakas ang mga suspek habang nagdulot ng mabigat na trapiko sa motorista na dumaraan sa nasabing tulay ang pagkakadiskaril ng sasakyan ng biktima.

SUV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with