WWII bomb, lumutang matapos ang baha sa Cagayan

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - November 25, 2020 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines, Philippines — Isang higanteng bomba na pinaniniwalaang mula pa noong World War 2 ang nakita matapos humupa ang malawakang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa report ng Police Regional Office 2, ang nasabing vintage bomb ay nadiskubre ng isang residente na noon ay nangongolekta ng mga naanod na kahoy na panggatong sa nasasakupan ng Barangay Linbao West, Tuguegarao City sa nabanggit na lalawigan.

Ayon sa Tuguegarao PNP, agad na itinawag sa kanilang himpilan nang madiskubre ni Mario Langcay, 52, residente ng nasabing lugar ang dambuhalang bomba sa gilid ng ilog na unang inakala na naanod lamang na malaking bakal.

Sa pagsusuri ng mga awto­ridad, ang dambuhalang bomba na may habang 52-inches at timbang na mahigit 500 na kilo ay nasa maayos pang kondisyon at maaring magdulot ng malaking pinsala kung ito ay sasabog.

Agad naman nakipag-ugnayan ang mga kapulisan sa mga bomb expert mula sa Philippine Army para ipasakamay ang bomba.

Sa teyorya ng pulisya, maaari umanong naanod ang bomba mula sa ibang lugar dulot ng malawakang pagbaha dahil sa bagyong Ulysses.

WWII bomb, lumutang matapos ang baha sa Cagayan

Victor P. Martin

BOMB
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with