NIA-pagpapakawala ng tubig sa dam ‘di dahilan ng malawakang baha sa Cagayan, Isabela
MANILA, Philippines — Nanindigan si National Irrigation Administration (NIA) head Ricardo Visaya na hindi ang pagbubukas ng gates ng Magat dam ang ugat ng matinding pagbaha sa Cagayan, Isabela noong panahon na may matinding pag-ulan dulot ng bagyong Ulysses.
Binigyang diin ni Visaya na hindi magkakaroon ng matinding pagbaha sa Cagayan at Isabela kung walang malawakang illegal logging, mining at quarrying activities sa lugar.
Batay sa isang matrix ni Visaya,ipinakita nitong mula November 9 hanggang 14 noong kasagsagan ng bagyo, ang peak water inflow ng Magat Dam ay 7,128 cubic meters per second pero naglalabas lamang ang dam ng 6,706 cubic meters per second at ito anya ang pagpapatunay na hindi ang pagbubukas ng water gate ng dam ang ugat ng matinding pagbaha sa Cagayan at Isabela.
Anya,naabisuhan nila ang lahat nang maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig lalo na ang mga gov’t offices, LGUs, radio stations sa loob ng anim na oras para makagawa ang mga ito ng hakbang na hindi maaapektuhan bago ang aktuwal na pagpapakawala ng tubig at lahat ng LGUs ay may pirma sa pagitan ng NIA na sila ay naimpormahan ng ahensiya hinggil ditto.
- Latest