Police captain ng SPD utas sa ambush
Sa ulat ng Imus City Police, agad na nasawi si P/Captain Ariel Ilagan, 48-anyos, dahil sa rami ng tama ng bala sa katawan habang ginagamot sa Our Lady of Pilar Hospital ang misis nitong si Mary Grace, 48, empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) dahil sa tama ng bala sa kanang kamay at anak na si Audrey Gale Ilagan, 20, isang college student, na tinamaan ng bala na pawang resi­dente ng Block 1 Lot 12, Lakersfield Subdivision, Toc­long, Kawit, Cavite.
STAR/Edd Gumban, file

Police captain ng SPD utas sa ambush

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

Misis at anak sugatan

CAVITE, Philippines — Patay ang isang opisyal ng Southern­ Police District (SPD) habang sugatan ang asawa at anak nito matapos tambangan at pagbabarilin habang sakay ng SUV ng mga ‘di kilalang suspek sa Imus City kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Imus City Police, agad na nasawi si P/Captain Ariel Ilagan, 48-anyos, dahil sa rami ng tama ng bala sa katawan habang ginagamot sa Our Lady of Pilar Hospital ang misis nitong si Mary Grace, 48, empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) dahil sa tama ng bala sa kanang kamay at anak na si Audrey Gale Ilagan, 20, isang college student, na tinamaan ng bala na pawang resi­dente ng Block 1 Lot 12, Lakersfield Subdivision, Toc­long, Kawit, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Jessie Villanueva ng Imus City Police, dakong alas-6:00 ng umaga habang minamaneho ni Capt. Ilagan ang kanyang Toyota Fortuner na may plakang AA05161 sakay ang kanyang asawa’t anak at papasok umano sila sa trabaho nang pagsapit sa panulukan ng Lakersfield Subdivision at Alapan Road, Brgy. Alapan 1-B ay bigla silang pinaulanan ng bala gamit ang isang M-16 rifle ng mga suspek na sakay ng isang kulay pulang Toyota Innova.

Pinuntirya ng mga suspek ang opisyal sanhi­ upang magtamo ng ma­ra­ming tama ng punglo sa katawan habang nahagip ng bala ang kanyang mag-ina.

Agad na sumibat palayo ang mga suspek matapos na makitang napuruhan ang biktima. 

Sa beripikasyon ng pulisya, lumalabas na hindi rehistrado ang sasakyang ginamit ng mga suspek. Patuloy ang im­bestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga salarin at motibo sa pagpatay sa opisyal.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with