3 obrero dedo sa road crash
Sa report ng pulisya, umagaw ng linya ang motorsiklong minamaneho ni Christian Cloyd Lopez, 33-anyos, nang makasalpukan nito ang kasalubong na van sa San Miguel, Luna, Isabela dakong ala-1:42 ng hapon.
STAR/File

3 obrero dedo sa road crash

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tatlong obrero ang nasawi sa magkahiwalay na aksidente ng motorsiklo sa Luna at Reina Mercedes, Isabela kamakalawa. 

Sa report ng pulisya, umagaw ng linya ang motorsiklong minamaneho ni Christian Cloyd Lopez, 33-anyos, nang makasalpukan nito ang kasalubong na van sa San Miguel, Luna, Isabela dakong ala-1:42 ng hapon.

Dead-on-the-spot si Lopez habang isinugod ng mga sumaklolo ang angkas niyang si Roderick Aquino sa ospital subalit hindi na nakarating nang buhay.

Hindi naman nasaktan ang drayber ng van na si Reymund Collado, 21, at alalay niyang si Zoilo Angelo Sawi, 28.

Samantala, nasawi si Jomel Baddungon, 25, matapos hindi natantiya ang kurbadang daan na tinatahak ng kanyang motorsiklo dahilan upang masalpok niya ang heavy drilling equipment sa gilid ng daan dakong alas-7:00 ng gabi.

AKSIDENTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with