2 pulis-HPG nagpositibo sa COVID-19

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - November 24, 2020 - 12:00am

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Dalawang miyembro ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) dito ang tina­maan ng COVID-19, iniulat ng awtoridad kahapon.

Ayon kay Kidapawan City Information Officer Atty. Paolo Evangelista, naka-quarantine na rin ang tatlong­ may close-contact sa dalawang HPG at kung makitaan ng sintomas ay isasailalim sa swab test.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing para sa iba pang nakasalamuha ng dalawang pulis.

Sinabi naman ni North Cotabato HPG chief Police Major James Baugbog, sarado ng 14-araw ang HPG Kidapawan City Office at lahat ng transaksyon ay pansamantalang isasagawa sa kanilang sub-office sa Kabacan, North Cotabato matapos na magpo­sitibo ang dalawang nabanggit na pulis.

Nabatid na magbubukas muli ang kanilang tang­gapan sa susunod na linggo pagkatapos ng qua­rantine period.

COVID-19 HPG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with