Biyuda binoga ng boypren sa selos, patay!
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

Suspek nagtangkang mag-suicide pero baril pumalya

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang 38-anyos na biyuda sa kamay ng kanyang nob­yong binata matapos siyang pagbabarilin habang nagtangka ring magpakamatay ang huli dahil umano sa ma­tinding pagseselos sa Brgy. Nagsingcaoan, Galimuyod, Ilocos Sur kamakalawa.

Ayon kay Captain Pol Areola, hepe ng Galimuyod Police Station, nadiskubre nilang nakahilata at naliligo sa asariling dugo sa abandonadong kalsada ang biktimang si Anita Fernando dakong alas 7:00 ng umaga. Siya ay dead-on-the-spot dahil sa mga tama ng bala sa ulo at dibdib.

Sinabi ni Areola na natunton nila ang bangkay ng biyuda matapos iwanan ng suspek na si Gilbert Nanag, 39, kasunod naman ng kanyang pagsuko sa Banayoyo Police Station at ikinumpisal ang ginawang krimen.

Isang wasak na cal.38 rebolber na paltik ang isinuko ni Nanag na umano’y kanyang sinira matapos pinaniniwalaang pumalya ng tangka itong magpakamatay matapos inutas si Fernando.

Isang wasak na cal.38 revolver na paltik ang isinuko ni Nanag na kanyang sinira matapos na pinaniniwalaang pumalya sa tangka nitong pagbaril sa sarili matapos niyang pagbabarilin ang katipan.

Ayon kay Areola, nananatiling tulala si Nanag at hindi pa naipapaliwanag sa mga imbestigador kung ano ang ginagawa nilang dalawa ni Fernando sa daan nang mangyari ang krimen dakong alas-4:00 ng madaling araw.

Lumalabas ang anggulo na posibleng nagtalo ang dalawa at nauwi sa pamamaril dahil sa sinasabing may “third party” sa kanilang relasyon matapos na mabanggit ng suspek sa hepe ng pulisya na siya lang dapat ang mahalin ng kanyang nobya.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with