5 wanted na NPA, naglakad ng 1-buwan para sumurender

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Halos isang buwang naglakad sa bulubundukin ang limang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) bago pa nakababa sa kapatagan at sumuko sa tropa ng militar sa Roxas, Palawan, ayon sa opisyal nitong Sabado.

Sa report ni Brig. Gen. Nestor Herico, Commander ng 3rd Marine Brigade, ang mga nagsisukong rebelde ay mula sa Bienvenido Vallever Command na kinilalang sina Reden Angkis alyas “Ka Justine /Jaguar”, Evelyn Rodriguez alyas “Ka Laisa”, Robin Baylosis alyas “Ka Marlo”, Charlane Juan alyas “Ka “Yumie”, at Jupiter Gindaya alyas “Ka Frankie”; pawang miyembro ng unit nina Ka Miggy at Ka Rise ng Bienvenido Vallever Command ng NPA.

Ang mga rebelde ay pawang wanted sa Palawan Task Force–End Local Communist Armed Conflict .

“They decided to return to the fold of the law as a result of the implementation of the Community Support Program of 3rd Marine Brigade and intensified “whole of nation” approach of Palawan Task Force ELCAC,” ayon kay Herico.

Nabatid na pinagpahinga naman ang mga rebelde ng tropa ng militar sa Brgy. Minara, Roxas, Palawan kung saan sila sumuko dahil sa matinding pagod sa mahabang paglalakbay bago sila iprinisinta sa tanggapan ni Herico kamakalawa.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with