Nasibak na chief of police sa Jolo shooting, utas sa ambush

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bulagta ang dating hepe ng Jolo Police na nasibak dahil sa pagkakasangkot ng mga tauhan nito sa “rub-out” ng apat na miyembro ng Philippine Army sa Sulu noong Hunyo, makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa Sultan Mastura, Maguindanao nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Lt. Col. Walter Annayo, 41-anyos na nalipat ng destino sa himpilan ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BARMM) sa Camp SK Pendatun sa Parang, Maguindanao.

Sa ulat ng Ma­guindanao Police, dakong alas-1:45 ng hapon nang mangyari ang krimen sa kahabaan ng Narciso Ramos highway sa Brgy. Macabiso, Sultan Mastura, Maguindanao.

Ayon sa pahayag ng mga testigo, si Annayo ay bumaba sa kanyang kulay puting Toyota Fortuner sports utility vehicle (GAL 2258) nang biglang dumating sa lugar ang isang SUV at pagbabarilin ng mga sakay nito ang opisyal.

Magugunita na si Annayo ang hepe ng Jolo Police nang mangyari ang sinasabing rub-out at hindi engkuwentro sa apat na miyembro ng Philippine Army na sina Major Marvin Indammog; Captain Irwin Managuelod, Sgt Eric Velasco at Corporal Abdal Asula na noon ay nagsasagawa ng intelligence operations laban sa mga bombers sa Sulu.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with