^

Probinsiya

Cavite nasa state of calamity dahil kay ‘Rolly’

Cristina Timbang, Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Cavite nasa state of calamity dahil kay âRollyâ
Ayon kay Cavite Board Member Kevin Anarna, nagpasa ng re­solusyon ang mga opis­yal ng lalawigan upang isailalim sa state of calamity ang buong Cavite matapos na tumama ang Signal No. 4 na bagyo sa lalawigan para mabigyan agad ng ayuda ang mga apekatdong Kabitenyo.
Edd Gumban

CAVITE, Philippines — Dahil sa matinding hagupit ng bagyong Rolly, nagdeklara kahapon ng “state of calamity” sa buong lalawigan ng Cavite matapos ang isinagawang emergency session ng Sangguniang Panlalawigan.

Ayon kay Cavite Board Member Kevin Anarna, nagpasa ng re­solusyon ang mga opis­yal ng lalawigan upang isailalim sa state of calamity ang buong Cavite matapos na tumama ang Signal No. 4 na bagyo sa lalawigan para mabigyan agad ng ayuda ang mga apekatdong Kabitenyo.

Sa Brgy. Santol, ba­yan ng Silang ay nasa 20 pamilya na ang inilikas ng mga rescue teams ng lokal sa pamahalaan. May 15 pamilya rin ang inilikas sa Lalaan 2 ng nasabi ring bayan.

Nagsagawa rin ang forced evacuation ang mga LGUs sa mga pamilyang naninirahan sa tabi ng ilog kabilang na sa Brgy. Biga 1, Biga 2 at Adlas,  bayan din ng Silang.

Minomonitor din ang mga bayan ng Kawit, Naic, Tanza, Rosario, Ternate, sa Bacoor City at iba pang mga lugar na may mga karagatan.

CALAMITY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with