Motor vs truck: Misis dedo, 2 kritikal
Dead-on-the-spot ang biktimang si Maria Cristina Segui, 33-anyos habang kritikal ang mister nito na nagmamaneho ng kanilang motorsiklo na si Nestor, 31-anyos, kapwa residente ng 131 Kare Kare St., Fiesta Homes Subd., Brgy. San Jose, Dasmariñas City.
STAR/ File

Motor vs truck: Misis dedo, 2 kritikal

Christina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - November 1, 2020 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Isang ginang ang nasawi habang malubhang nasugatan ang kanyang mister at isa pang rider makaraang salpukan sila ng truck kamakalawa ng gabi sa E. Aguinaldo Highway, Brgy. San Agustin 1, Dasmariñas City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Maria Cristina Segui, 33-anyos habang kritikal ang mister nito na nagmamaneho ng kanilang motorsiklo na si Nestor,  31-anyos, kapwa residente ng 131 Kare Kare St., Fiesta Homes Subd., Brgy. San Jose, Dasmariñas City. Kritikal din ang isa pang rider na si Shean Myrick Bajao, 26, ng Blk. 87 Lot 8, Bahay Pangarap, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City Cavite habang nasa kustodya na ng pulisya ang driver ng truck na si Noli Panday, 32, ng 70 Garcep Cmpd., Brgy Cupang Muntinlupa City.

Sa ulat ni P/Staff Sgt. Jesus Bae, alas-8:20 ng gabi habang magkaangkas ang mag-asawa sa Kawasaki fury at bumabagtas sa nasabing lugar nang masalpok sila ng Isuzu boom truck na (MAG 5605) minamaneho ni Panday.

Sa lakas ng impact, sumemplang ang motorsiklo kasama ang mag-asawa kung kaya’t tumilapon ang babae at nasagasaan pa ng nasabing truck na kanyang agarang ikinamatay.

Nadamay naman ang isa pang parating na motorsiklong Suzuki Skydive ni Bajao sanhi ng kanyang pagkasugat.

MAG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with