^

Probinsiya

Binata pinabulagta sa harap ng bahay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Binata pinabulagta sa harap ng bahay
Hindi na nagawa pang maisugod sa hospital at agad namatay ang biktimang si Vilmore Pu­sing Onilan, construction worker habang tinutugis na ang suspek na kinilalang si Amar Rubia Rubis, 45, pawang residente ng nasabing barangay.
STAR/ File

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines — Bulagta ang isang 34-anyos na binata sa matapos na barilin sa ulo ng suspek sa harap mismo ng kanilang bahay sa Purok Maligaya, Brgy. Poblacion, Mandaon, Masbate kamakalawa ng umaga.

Hindi na nagawa pang maisugod sa hospital at agad namatay ang biktimang si Vilmore Pu­sing Onilan, construction worker habang tinutugis na ang suspek na kinilalang si Amar Rubia Rubis, 45, pawang residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-7 ng umaga habang nililinis ng biktima ang kanyang motorsiklo sa harapan ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang armadong suspek mula sa kanyang likuran. Bago pa nakakilos ang biktima ay walang kaabog-abog na siyang binaril nang malapitan sa ulo ng suspek na agaran nitong ikinamatay.

Nakuha ng mga ru­mes­pondeng pulis sa crime scene ang isang basyo ng bala ng kalibre 45 baril habang sinisiyasat pa ang motibo sa pa­mamaril.

vuukle comment

BARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with