^

Probinsiya

Bagong contact tracers arangkada na sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan ,Philippines — Nagsimula na ng contact tracing ang may 1,317 na bagong pasok na contact tra-cers upang makatulong sa pagpapababa o pagsugpo ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Itinalaga ng DILG- Bulacan ang mga contact tracers sa iba’t ibang lugar upang gampanan ang kanilang mga tungkulin.

Mula sa nasabing bilang, humiling si Gov. Daniel Fernando ng 80 katao upang maitalaga sa Pamahalaang Panlalawigan na makakatuwang sa contact tracing simula Oktubre 2020.

“Naniniwala tayo na kung mas maraming kikilos at magtutulungan, darating ang araw na matutuldukan natin ang pandemyang ito. With the help of our contact tracers na directly reporting sa ating Public Health Office, mas mapapaigting natin ang pag­hahanap sa mga posibleng naging contact ng mga nagpopositibong kaso upang masiguro na ‘di na sila makapag-interact sa iba para maiwasan ang pagkalat pa. Mahalaga kasi ‘yung bilis, ‘yung panahon ng pag­hahanap,” Fernando.

Pinaghati-hati naman ang natirang 1,237 na mga contact tracers sa 21 bayan at tatlong lungsod sa lalawigan upang makaagapay din sa kanilang laban sa hindi nakikitang COVID-19 ngunit nakamamatay.

Sa tala ng PHO-PH kahapon Oktubre 29, 2020, nasa 8,031 na ang kabuuang beripikadong kaso ng COVID-19 sa Bulacan, kung saan 1,164 ang aktibo, may 6, 625 ang gumaling habang 242 ang nasawi.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with