13-anyos hinalay, pinatay saka itinapon sa sapa
Sinabi ni Major Darwin Urani, hepe ng San Mateo Police Station na dakong alas-10:00 ng umaga nang matagpuan ng mga mamama­yan ang bangkay ni Princess Diane Corpuz, Grade 8 student, na na­kalutang sa tubig at wala nang pang-ibabang saplot.
STAR/ File
13-anyos hinalay, pinatay saka itinapon sa sapa
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

Pinasok sa bahay habang naiwang mag-isa

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines —  Kalunus-lunos ang sinapit ng isang 13-anyos na da­lagita na pinaniniwalaang hinalay muAa bago sinakal hang­gang sa ma­matay saka itinapon sa sapa sa Barangay Bella Luz, San Mateo, Isabela­ kamakalawa.

Sinabi ni Major Darwin Urani, hepe ng San Mateo Police Station na dakong alas-10:00 ng umaga nang matagpuan ng mga mamama­yan ang bangkay ni Princess Diane Corpuz, Grade 8 student, na na­kalutang sa tubig at wala nang pang-ibabang saplot.

Nabatid na naiwang mag-isa sa kanilang bahay ang biktima matapos na umalis ang kanyang kuya para isugod ang misis nito sa ospital noong gabi ng Lunes.

Teorya ng mga im­bes­tigador, pinasok ng ‘di kilalang salarin sa loob ng bahay ang dalagita at doon hinalay saka pinatay sa sakal nang magtangkang man­laban. May mga indikasyon din na binuhat ng salarin ang bangkay ng dalagita patungo sa sapa na may 200 metro ang layo sa bahay nito saka itinapon upang pagtakpan ang krimen,

Masusi pang sinu­suri ng SOCO ang loob ng bahay ng dalagita na umano’y may mga bakas ng panlalaban upang makakalap ng ebidensiya gaya ng buhok o fingerprint upang matukoy ang rapist-killer.

POLICE STATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with