9 na patay, milyun-milyong pananim nasira kay âQuintaâ
Samantala, uma­bot sa P429,726,344 milyon halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastratura ang winasak ng bag­yong Quinta sa limang rehiyon sa bansa.
STAR/ File
9 na patay, milyun-milyong pananim nasira kay ‘Quinta’
Doris Franche, Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 9 katao ang nasawi habang umabot sa daan-daang milyong halaga sa agrikultura at imprastraktura ang nasira sa pananalasa ng bag­yong Quinta, batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon kay NDRRMC spokesperson Mark Timbal, sa nasabing bilang ay pito ang nasawi sa MIMAROPA habang da­lawa sa Central Visayas (Region 7) na karamihan ay dahil sa pagkalunod at nabagsakan ng puno. Anim naman ang sugatan habang dalawa pa ang nawawala sa Ca­labarzon, Mimaropa, Western Visayas at Central Visayas.

Samantala, uma­bot sa P429,726,344 milyon halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastratura ang winasak ng bag­yong Quinta sa limang rehiyon sa bansa.

Iniulat naman ni Claudio Yucot, regional director ng Office of Ci­vil Defense (OCD) 5 na sa bayan pa lamang ng Libon sa Albay ay umabot na sa P307,015,150 ang danyos sa mga nasirang pananim o agrikultura lalo na sa mga palayan. Sinundan ito ng Camarines Sur na may P225,384,082 na halaga na napinsala sa agrikultura at pangi­ngisda; Sorsogon na may P60,903,865 sa ag­rikultura, P1,040,000 sa elektrisidad at P25 mil­yong danyos sa mga flood control project­, Catanduanes na uma­bot naman sa P59,013,461 sa agrikultura at P1,880,000 ang danyos sa sinalantang mga pang-gobyernong gusali.

Maliban pa ito sa ulat ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na naging danyos na P4,499,000 sa mga imprastruktura sa Catanduanes at P4-milyon naman sa Masbate.

Nasa 10,716 na ka­bahayan ang nasira sa buong Bicol region kung saan 512 dito ay totally damaged habang tinatayang 252,944 pamilya o 992,404 katao ang na­apektuhan ng bagyo.

OCD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with