3 barangay sa Sultan Kudarat hinagupit ng ipo-ipo
Ayon kay Renante Calzado na residente ng Brgy Milbuk, nabuo umano ang ipo-ipo mula sa dagat at mabilis na kumilos at tumama sa mga kabahayan kasabay ng malakas na buhos ng ulan.
Michael Varcas
3 barangay sa Sultan Kudarat hinagupit ng ipo-ipo
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Labis ang takot at animo’y katapusan na ng mundo ang naramdaman ng mga residente sa tatlong barangay sa Palimbang, Sultan Ku­darat nang biglang tumama sa kanila ang malakas na ipo-ipo.

Sa ulat ng mga awtoridad, ang tatlong lugar na hinagupit ng ipo-ipo ay ang Brgy. Milbuk, Brgy. San Roque at Brgy. Libuan na malapit lamang sa baybayin.

Ayon kay Renante Calzado na residente ng Brgy Milbuk, nabuo umano ang ipo-ipo mula sa dagat at mabilis na kumilos at tumama sa mga kabahayan kasabay ng malakas na buhos ng ulan.

Bunsod nito, maraming­ mga puno, bubong ng bahay at mga pananim ang sinalanta.

Agad ring nagtulung-tulong ang mga kawani ng Palimbang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP) at Katiacap Emergency Reaction Group upang maalis ang mga debris na nakakalat sa lugar habang namahagi ng tulong ang LGU-Palimbang sa mga pamilya na hinagupit ng Ipo-ipo.

EMERGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with