2 karnaper/kidnaper todas sa shootout vs PNP-AKG
Kinilala ni PNP-AKG Luzon field commander Col. Villaflor Banna­wagan­ ang isa sa mga napatay na si Jake Pingal, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang suspek.
STAR/File
2 karnaper/kidnaper todas sa shootout vs PNP-AKG
Doris Franche, Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang sinasabing karnaper na sangkot din sa iba’t ibang kriminal na aktibidades kabilang ang mga kaso ng pagdukot ang bumulagta nang makaengkwentro ng mga operatiba ng Phi­lippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) sa isang buy-bust operation sa Pililia, Rizal kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni PNP-AKG Luzon field commander Col. Villaflor Banna­wagan­ ang isa sa mga napatay na si Jake Pingal, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang suspek.

Tinutugis naman ng mga pulis ang lider umano ng mga nasawi na si Ryan Dele Cruz alyas “Mokong” na may warrant of arrest sa kasong kidnapping.

Sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang eng­kuwentro sa pagitan ng mga suspek at PNP-AKG sa Sitio Kawayan farm ng Brgy. Halayhayin sa Pililia.

Nabatid na sa kasagsagan ng buy-bust ope­ration ay nakatunog ang mga suspek na mga alagad ng batas ang kanilang ‘kliyente’ kaya kanilang pinaputukan sanhi ng engkuwentro.

Nabatid na bukod sa pagiging karnaper at kidnaper, sangkot din ang mga suspek sa gunrunning, robbery hold-up at gun-for-hire.

Narekober sa encounter site ang limang piraso ng kalibre .45 na baril, at isang unit ng hinihinalang nakaw na motorsiklo.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with