2 ‘tulak’ timbog sa P6.8 milyong shabu
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

CAVITE , Philippines — Nalambat ng pulisya ang dalawang hinihinalang big-time na drug pushers at nakum­piskahan ng nasa P6.8 milyong halaga ng shabu sa isinagawang joint buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa isang parking lot ng kilalang mall sa Imus City kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina  Rhoby Ruiz at Dave Pa­trick Manlosa, kapwa ng Tanzang Luma 1, Imus City, Cavite.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Marlon Santos, dakong alas 2:35 ng hapon ng ikasa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-Laguna, PDEA-Cordillera Autonomous Region (Baguio City Office at LTIU), Cavite PIB, PDEA- Cavite at Imus City Police ang malawakang Buy-Bust Operation sa parking lot ng Lotus Mall sa  Brgy. Tanzang Luma 1, Imus City.

Nauna rito, nahirapan ang pulisya na makipag-transact sa mga suspek na masyadong madulas at mautak sa mga hinaharap na kliyente.  Pero nang kumagat sa usapan, agad na ikinasa ang buy-bust hanggang sa masabat ang mga suspek.

Isang brown paper bag ang narekober sa dala­wang suspek at sa loob nito nakalagay ang mala­king bulto ng shabu na aabot sa isang kilo na nababalutan ng packaging tape.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with