^

Probinsiya

Bomba sumabog sa junk shop: 1 utas, 1 sugatan

Christian Ryan Sta Ana - Pilipino Star Ngayon
Bomba sumabog sa junk shop: 1 utas, 1 sugatan
Nabatid na bandang ala-1:15 ng hapon noong Lunes, habang abala umano sa loob ng Cesar Calalang Junk Shop sina Dupra at Villaronte sa paghihiwalay ng mga scrap materials ay bigla na lamang umanong may sumabog na isang explosive ordinance na maa­aring gamit noon pang panahon ng Hapon.
STAR/ File

ZARAGOZA, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang 43-anyos na helper habang malubha ang isa pang katrabaho nang su­mabog malapit sa kanila ang isa umanong “vintage bomb” sa loob ng pinaglilingkurang junk shop sa Barangay San Isidro ng bayang ito no­ong Martes ng hapon.

Kinilala ng Zaragoza Police ang nasawi na si Robert Dupra, 43, ng Barangay San Isidro, habang isinugod sa Nueva Ecija Doctors Hospital sa Cabanatuan City ang sugatang si Marlon Villaronte, 47, ng Benitez Subd., Brgy. Concepcion ng nasabing bayan.

Nabatid na bandang ala-1:15 ng hapon noong Lunes, habang abala umano sa loob ng Cesar Calalang Junk Shop sina Dupra at Villaronte sa paghihiwalay ng mga scrap materials ay bigla na lamang umanong may sumabog na isang explosive ordinance na maa­aring gamit noon pang panahon ng Hapon.

Dahil dito, nagtamo ng matitinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan si Dupra na kanyang agad na ikinamatay.

Nagtamo rin ng mga pinsala sa katawan si Villaronte at kasalukuyang inoobserbahan sa nasabing pagamutan. 

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with