2 tirador ng motor natimbog
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - October 28, 2020 - 12:00am

ANGELES CITY , Philippines — Nasakote ng mga awto­ridad ang dalawang hi­nihinalang tumangay ng isang motorsiklo sa Sitio Abacan, Brgy. Malabanias, dito, noong Lunes ng gabi.

Sa ulat sa tanggapan­ ni Police Station 4 commander P/Major Aris Gonzales, kinilala ang mga suspek na sina Joel Mateo, 43, may asawa, at Felix Navarro, 36, kapwa taga-Malolos City, Bulacan.

Sa imbestigasyon, pa­sado alas-8 ng gabi nang madiskubre ng bik­timang si Crizel Gam­boa na nawawala ang kanyang Mitsukoshi scooter­ kaya’t agad nitong ni-report sa pulisya ang insidente.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis sa pangu­nguna ni P/Lt. Jennies Capili at natiyempuhan nila ang mga suspek na may isinasakay na motorsiklo sa isang Mit­subishi Expander na may conduction sticker number B7D76 sa bahagi ng Mayon Street sa Brgy. Malabanias. Nang kanilang sitahin­ ay dito nakita ang nawa­walang motorsiklo na isinasama sa dalawa pang motorsiklo na nakasakay na sa nasabing sasakyan.

Matapos ang koordinasyon sa Land Transportation Office at Highway Patrol Group-3, na­pag-alaman ng pulisya na ang naturang dalawa pang motorsiklo ay ninakaw rin sa may Pandi, Bulacan.

Agad inaresto ang mga suspek na nakuhanan pa ng dalawang plastic sachet ng shabu na nasa 5-gramo at nagkakahalaga ng P34,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong pag­labag sa R.A. 10883,  bagong anti-carnapping law at Sec 11, Art II ng R.A. 9165 o Comprehen­sive Dangerous­ Drugs Act of 2002.

ARIS GONZALES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with