95 katao sa mining community nagpositibo sa COVID-19
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 27, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isa pang mining community ang tinamaan ng COVID-19 na kung saan sa loob lang ng dalawang araw ay 95 katao ng Philex Mines, Pacdal, Camp 3 sa Tuba, Benguet ang nagpositibo.

Ito ang sinabi ni Tuba Mayor Clarita Sal-ongan bunga ng expanded testing sa mga empleyado at kanilang pamilya mula nang ideklara niyang critical area at isinailalim sa indefinite lockdown ito noong Oktubre 14.

Sinabi ni Dr. Lorigrace Austria, Municipal Health Officer ng Tuba na noong nakaraang buwan nagsimula ang Community transmission sa Philex Mines nang nakihalubilo sa birthday party ng isang paslit ang mga carrier na umano’y galing ng Metro Manila.

Sa talaan ng Provincial Health Office, umabot na sa 105 ang nagpositibo sa lugar mula Oktubre 14.

Ang Tuba ay mayroon lamang 22 kaso ng CO­VID-19 mula nang pumutok ang pandemya hanggang Setyembre 28 at nadagdagan na ito sa 147.

Unang napaulat ang malalang kaso ng hawaan sa mining community sa Itogon, Benguet na umabot sa 199 total cases at 152 dito ang aktibo habang tatlo na nasawi.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with