3 pasyente nasawi sa COVID-19 sa Baguio
Sa report ng awtoridad, ang 82-anyos na lolong positibo sa virus na nakaratay sa isang pribadong ospital ay chain smoker kung kaya’t napadali ang kanyang pakikipagtipan kay kamatayan matapos siyang kabitan ng tubo dahil sa hirap sa pag­hinga.
AFP/Yonhap
3 pasyente nasawi sa COVID-19 sa Baguio
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan – Tatlo katao ang naitalang patay sanhi ng kom­plikasyon sa COVID-19 habang 37 ang nagpositibo sa virus sa Baguio City ka­makalawa.

Sa report ng awtoridad, ang 82-anyos na lolong positibo sa virus na nakaratay sa isang pribadong ospital ay chain smoker kung kaya’t napadali ang kanyang pakikipagtipan kay kamatayan matapos siyang kabitan ng tubo dahil sa hirap sa pag­hinga.

Ang ikalawang pas­yente na 65-anyos na lolo ay diabetic kung kaya’t lumala ang kanyang kalagayan sanhi ng impeksiyon sa CO­VID na nauwi sa multiple organ fai­lure habang naka-confine  sa Baguio General Hospital and Medical Center.

Namatay naman sa stroke ang isang 38-anyos na misis sa isa pang pribadong ospital noong Oktubre 22 subalit kalaunan ay lumabas ang resultang positibo siya sa COVID-19.

Samantala, sa 37 bagong kaso ng CO­VID-19 sa Baguio City, 28 dito ay natunton sa masusing contacts tracing na mahigpit ipinatutupad ni Mayor Benjamin Magalong. Ang Baguio City ay may 1,874 kumpirmadong kaso ng COVID-19, nasa 576 dito ang aktibo habang 24 na ang namatay.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with