Titser pumalag sa ‘carnap’ inutas
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines  — Patay ang isang guro matapos pagbabarilin ng ‘di kilalang suspek nang pumalag ang una habang pu­wershang kinukuha sa kanya ang minamaneho nitong motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Sultan Kudarat.

Kinilala ang nasawi na si Vinci Afinidad, 36-anyos at residente ng Purok Pagkakaisa, Barangay Sagasa sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat.

Batay sa ulat alas-6:20 ng gabi nitong Sabado habang sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo mula sa kanilang barangay patungo sana sa kabisera ng bayan ng pagbabarilin ng ‘di pa nakilalang gunman ng tumangging ibigay ng suspek ang kanyang motorsiklo.

Namatay noon din ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala mula sa kalibre .45 na pistol batay sa mga basyo ng punglo na nakuha sa pinagyarihan ng insidente.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with