^

Probinsiya

12-wheeler mobile clinic iikot sa 569 barangay sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines  —  Inihahanda na ng Provincial Capitol ang mas malaki nitong mobile clinic na iikot sa may 569 na barangay sa Bulacan, upang makapagbigay ng iba’t ibang serbisyong medikal sa iba pang mga sakit sa panahon ng pandemya dulot ng COVID-19.

Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, bahagi ito ng pagsasakatuparan sa isa sa kanyang “People’s Agenda 10” kung saan kabilang ang kalusu­gang pangkalahatan.

Magiging komposisyon ang bagong “Bulacan Mobile Clinic” ng “Damayan sa Barangay” na isang programa ng pamahalaang panlalawigan upang maibaba sa mga barangay ang mga proyekto nang hindi na kailangan pang sumadya ang mga Bula­kenyo sa Kapitolyo sa Malolos.

Ang mobile clinic ay isang 12-wheeler modified bus na may mga pangunahing pasilidad pangkalusugan gaya ng operating room, ultrasound, X-Ray, laboratory, check-up room at iba pang kasangkapan at kagamitan na kailangan sa paggagamot. May halagang P29 milyon ang inilaan para maisakatuparan ang Bulacan Mobile Clinic.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with