5-anyos nasapol ng bala sa burol, patay!
Dead-on-the-spot sa insidente ang biktima na si James Carl Ramos, residente ng Sitio Sunora, Brgy. Baclay, Tukuran.
STAR/ File
5-anyos nasapol ng bala sa burol, patay!
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang 5-anyos na batang lalaki matapos masapol ng bala sa noo nang aksidenteng pumutok ang baril na pinag-aagawan ng dalawang lalaking nag-aaway sa burol ng isang namayapang ka-barangay sa Tukuran, Zamboanga del Sur nitong Biyernes ng tanghali.

Dead-on-the-spot sa insidente ang biktima na si James Carl Ramos, residente ng Sitio Sunora, Brgy. Baclay, Tukuran.

Arestado naman ng mga rumespondeng pulis ang dalawang suspek na sina Celso Castañares, 52-anyos, driver ng Brgy. Lubid, Aurora  at Marcelino Cabello, 48,  ng Brgy. Baclay, Tukuran.

Sinabi ni Captain Edwin Duco, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, nangyari ang insidente sa kasagsagan ng lamay ng patay sa Sitio Sunora, Brgy. Baclay ng nasabing bayan bandang alas-11:50 ng tanghali.

Sa imbestigasyon, nag­lalaro ang bata habang kasagsagan ng lamay sa lugar nang biglang magpang-abot ang magkaaway na suspek hanggang sa bumunot ng cal. 38 baril si Castañares.

Akmang ipuputok na ni Castañares ang nasabing baril nang makipag-agawan sa armas si Cabello pero sa kanilang pagpapambuno ay biglang pumutok ito na agad tumama sa noo ng naglalarong bata.

PRO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with