200 minero at pamilya ni-lockdown sa gusali
Sa kanyang social media advisory, sinabi ni Benguet Governor Melchor Diclas na napagkasunduan nila ng lokal na pamahalaan at health officials na ituturing nila bilang positive COVID cases ang panga­ngasiwa sa lahat ng mga nasa loob ng gusali kung saan naroon din ang 74 na naunang kinumpirma na kinapitan ng virus.
Philstar.com/ Irish Lising
200 minero at pamilya ni-lockdown sa gusali
Raymond Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — May 200 na minero at kanilang pamilya ang hindi na pinalabas sa gusaling tinutuluyan matapos isinailalim sa lockdown upang maibsan ang pagkalat ng COVID-19 sa isang ma­laking mining community sa Itogon, Benguet noong Biyernes.

Sa kanyang social media advisory,  sinabi ni Benguet Governor Melchor Diclas na napagkasunduan nila ng lokal na pamahalaan at health officials na ituturing nila bilang positive COVID cases ang panga­ngasiwa sa lahat ng mga nasa loob ng gusali kung saan naroon din ang 74 na naunang kinumpirma na kinapitan ng virus. Nilinaw naman sa PSN ni Captain Dexter Simon, hepe ng Itogon Police Station na ang mga nagpositibong katao ay inihiwalay sa mga walang sakit at nilagay sa gawing itaas sa ika-apat at ikatlong palapag ng gusali, habang nasa ground floor at ikalawang palapag ang mga naka-quarantine at naghihintay ng resulta ng kanilang swab test.

Ayon sa gobernador, ang lockdown sa gusali ay iiral habang gumagawa sila ng paraan na magdagdagan ang Quarantine facilities sa lugar na maaaring lipatan ng mga apektadong pamil­ya. 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with