4 magbabarkada timbog sa buy-bust
Kinilala ni P/Lt. Col. Arnel Dial, hepe ng pulisya rito, ang mga naarestong suspek na sina Barrister Jurist Yu, 26; Mark Ian Reñon, 22; at Nick Lester Punzal, 20, pawang ng Barangay Vijandre, rito; at Oliver Pascual, 22, ng Barangay San Roque.
STAR/KJ Rosales, file
4 magbabarkada timbog sa buy-bust
Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija , Philippines – Apat na magbabarkadang binata ang inaresto matapos makumpiskahan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Samat St., Brgy. Mabini Homesite ng lungsod na ito noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Arnel Dial, hepe ng pulisya rito, ang mga naarestong suspek na sina Barrister Jurist Yu, 26; Mark Ian Reñon, 22; at Nick Lester Punzal, 20, pawang ng Barangay Vijandre, rito; at Oliver Pascual, 22, ng Barangay San Roque.

Dahil sa sumbong ng isang concerned citizen, ikinasa ang buy-bust laban sa mga suspek at bandang alas-9:30 ng Biyernes ng gabi nang makabili ang poseur buyer kay Yu ng isang plastic sachet ng marijuana. Nakuha pa sa pag-iingat nito ang isang nakabalot na marijuana dried leaves, dalawang glass water pipe assembly, isang marijuana grinder, dalawang maliit na kahon ng rolling paper, isang gunting, timbangan, rolyo ng transparent plastic wrapper at P500 marked money.

Tatlo pang self-sealing transparent plastic sachets ng marijuana ang nasamsam sa mga kasamahan ni Yu na sina Reñon, Punzal at Pascual.

BINATA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with