Electrician nagtulak para may pambili ng gatas, arestado
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

LUCENA CITY , Philippines  — Nalambat ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) sa anti-drug operation ang isang electrician matapos magtulak ng droga para may pambili umano ng gatas ng kanyang anak at nakum­piskahan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu kahapon sa Purok Little Baguio 1, Brgy. Ibabang Dupay, dito.

Kinilala ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito ang nadakip na si Luigi Mogol, 31, may live in partner at residente ng Barangay 4.

Ayon kay P/SMS Christian Maguillano, team lea­der ng CDEU, may ilang araw nilang minamanmanan ang galaw ng suspek at nang makumpirma sa asset na magtutungo ito sa Brgy. Ibabang Dupay upang magbagsak ng epektos ay isinagawa ang buy-bust dakong ala-1:20 ng hapon.

Nagpositibo ang tran­saksyon at aabot sa 25.86 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P173,808.00, P500 marked money at mga drug paraphernalia ang nasamsam mula sa suspek.

Hindi na itinanggi ng suspek ang pagtutulak pero sinabing nagawa lamang niya ito para may maipambili ng gatas ng kanyang anak. Kumikita umano siya ng P3,000 kada linggo para sa pagde-deliver ng shabu sa nasabing barangay.

CDEU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with