Higit 18K pamilya binaha sa Cotabato
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 25, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO , Philippines  — Nasa 18,497 na pamil­ya ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers matapos na maapektuhan ng ma­tinding pagbaha sa Cotabato dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng Central Mindanao.

Sa ulat ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office, mas naapektuhan sa pagbaha ang mga bayan ng Pikit, Kabacan, Makilala, Matalam at Antipas. Nagbabala naman si Provincial Disaster Risk Reduction Management (PDRRM) Officer Mercy Foronda sa patuloy na mga pag-ulan hanggang matapos ang taon kung kaya pinayuhan nito ang publiko na maging mai­ngat at mapagmatayag sa lahat ng pagkakataon.

Paliwanag ng PDRRM, ang naranasang mga pagbaha ay bunsod ng low pressure area, localized thunderstorms at pagpasok ng bagyong Ofel at Pepito nitong nakalipas na linggo. Sa ngayon, nakapaghatid na ng tulong ang mga local government units (LGUs) sa nasabing mga apektadong pamilya habang patuloy ang isinasagawang rapid assessment ng PDRRM sa mga lugar na lubhang naapek­tuhan ng mga pagbaha.

LGU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with