451 âKadamayâ sa Bulacan tumiwalag sa NPA
Nanumpa ng katapatan sa watawat ng Pilipinas ang 451 miyembro ng Kadamay na unang nanirahan sa mga pabahay ng National Housing Authority (NHA) nang walang pahintulot, bago nila tuluyang sunugin ang bandila ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kasama ang kanilang mga IDs bilang simbolo ng kanilang pagsuko sa gobyerno.
STAR/Michael Varcas, file
451 ‘Kadamay’ sa Bulacan tumiwalag sa NPA
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Bilang pagsuporta sa “Whole of Nation Approach” ni Pangulong Rodrigo Duterte upang wakasan ang hidwaan laban sa mga armadong komunista, pinangunahan ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) sa pamamagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gov. Daniel Fernando ang isang seremonya para sa pagbabalik-loob sa gobyerno ng may 451 na miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) matapos ang kanilang pagbawi ng suporta o pagtiwalag sa Communist Terrorist Group (CTG) kahapon sa Brgy. Mapulang Lupa sa bayan ng Pandi.

Nanumpa ng katapatan sa watawat ng Pilipinas ang 451 miyembro ng Kadamay na unang nanirahan sa mga pabahay ng National Housing Authority (NHA) nang walang pahintulot, bago nila tuluyang sunugin ang bandila ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) kasama ang kanilang mga IDs bilang simbolo ng kanilang pagsuko sa gobyerno.

Nagkaroon din ng community consultation at problem-solving session para sa mga nagbalik-loob na pina­ngunahan ng Situational Awareness and Know­ledge Management (SAKM) at Local Peace Engagement (LPE) cluster ng RTF-ELCAC.

Pinuri naman ni Provincial Director of Bulacan Police Provincial Office P/Col. Lawrence Cajipe ang mga nagbalik-loob sa kanilang pagpili ng tamang desisyon at direksyon. Aniya, ang pamahalaan ay handang tumulong sa kanila at itama ang mga maling idelohiya na dulot ng mga grupong komunista at terorista.

Inihayag din ni Fernando ang pagnanais ng pamahalaan na magbigay ng oportunidad sa mga nagbalik-loob at hinimok silang tumulong sa pagtatatag ng komunidad imbes na buwagin ito.

Matapos ang programa, nagsagawa ng relief operation para sa mga nagbalik-loob kung saan tumanggap sila ng mga food packs mula sa pamahalaang panlalawigan.

NPA RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with