74 minero, pamilya nadale ng COVID-19 sa Benguet
Sinabi ni Itogon Ma­yor Victorio Palangdan, ang mga minero at kanilang pamilya na tinamaan ng virus ay mula sa matataong mining­ communities ng Sitio Luneta sa Barangay Loacan; Sitio Sangilo, Poblacion; Sitio Balatoc, Virac at Barangay Ampucao.
File
74 minero, pamilya nadale ng COVID-19 sa Benguet
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

Nagsisiksikan sa mga bunkhouses

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nabulaga ang liblib na bayan ng Itogon sa Benguet matapos magpositibo sa COVID-19 ang nasa 74 minero at kanilang pamilya na kabilang sa 93 na bagong kasong naitala sa loob lamang ng isang araw sa buong lalawigan na sinasabing pinakamalaking bilang na sa kasaysayan simula nang tumama ang pandemya sa Cordillera, kamakalawa.

Sinabi ni Itogon Ma­yor Victorio Palangdan, ang mga minero at kanilang pamilya na tinamaan ng virus ay mula sa matataong mining­ communities ng Sitio Luneta sa Barangay Loacan; Sitio Sangilo, Poblacion; Sitio Balatoc, Virac at Barangay Ampucao. 

Ayon sa Provincial Health Office, 9 sa mga nagpositibo ay mga paslit na edad 2 hanggang 11.

Nabatid na nagkahawaan ang mga minero at kanilang pamilya dahil hindi nasusunod ang panuntunan sa physical distancing bunsod ng pagsisiksikan sa kanilang mga bunkhouses.

Bunsod nito, agad nagpatupad ng lockdown si Palangdao sa mga nabanggit na lugar habang nagpatawag na ng pagpupulong si Benguet Gov. Melchor Diclas upang bumuo ng mga hakbang upang maibsan ang pagkalat ng COVID-19.

Nagsimula ang community transmission sa Itogon nang magpositibo ang 15 sa 35 na residenteng nagtungo sa Baguio General Hospital and Medical Center matapos makadama ng sintomas kasunod ng pagdalo nila sa isang burol ng patay nitong unang linggo ng Oktubre. 

Sa 364 confirmed COVID-19 cases sa Itogon, 114 dito ang aktibo habang isa ang nasawi.

Ang Itogon na tinaguriang “gold rush area” ay dinarayo ng mga maliliit na minero mula sa iba’t ibang bahagi ng Cordillera kung kaya’t umusbong ang nagsisiksikang komunidad.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with