3 katao utas sa pamamaril
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Tatlo katao kabilang ang isang security guard ang napaslang sa magkaka­hiwalay na pamamaril kamakalawa ng gabi sa lala­wigang ito.

Kinilala ang unang nasawi na si Arthur Masanit, 42, isang guwardya at nakatira sa Purok Talisay, Dalapitan, Matalam na pinagbabaril sa Purok Everlasting, Brgy. Sta. Maria ng nasabing bayan, alas-8:00 ng gabi. Sisitahin sana ng biktima ang suspek na kunwaring nag-aayos ng motorsiklo nang bigla na lang siyang pagbabarilin na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Agad tumakas ang salarin matapos ang pamamaril habang narekober sa crime scene ang limang basyo ng caliber 45 pistol.

Sa Makilala, bulagta ang mister na si Butsoy Nioda ng Brgy. Saguing ng nasabing bayan makaraang pagbabarilin ng ‘di nakilalang gunman habang nag-aabang ng masasakyan ang una sa waiting shed ng Brgy. Poblacion pasado alas-9:00 ng gabi.

Samantala sa bayan ng Arakan, katatapos lang mag-videoke nang pasukin naman at barilin nang malapitan ang biktimang si Roland Allamillo ng Brgy. Malibutuan na idineklarang dead-on-the-spot sa insidente pasado alas-10:00 ng gabi.

SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with