Mister na nagkakabit ng internet nahulog, tigok
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Patay ang isang mister matapos na aksidenteng mahulog habang nagkakabit ng linya ng internet sa Ba­rangay Tuguegarao, Echague sa lalawigang ito kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Ma­nuel Espiritu Jr., 38, isang private internet provider at residente ng Brgy. Malitao sa nabanggit na bayan.

Napag-alaman na umakyat sa mataas na bahagi ng poste ang biktima para sa ikakabit na internet line nang aksidenteng maputol ang tubo na kinakapitan nito na naging dahilan para mahulog at tuluy-tuloy na bumagsak sa lupa dakong alas-12:30 ng tanghali.

Agad na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival dahil sa matinding pinsala sa ulo kung saan lumabas pa umano ang dugo sa kanyang tenga at ilong.

Napag-alaman na ang pagkasawi ng biktima ay kasabay ng ka­arawan ng kanyang nag-iisang anak habang ang kanyang asawa naman ay nasa ibang bansa. 

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with