Ex-army, pulis todas sa manhunt ops
Ang nasawing pulis ay kinilalang si P/SMS Rofel Manuel na nakadestino sa Arakan PNP.Habang inaalam pa ang pangalan ng suspek na umano ay dating sundalo.
STAR/ File
Ex-army, pulis todas sa manhunt ops
(Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines  — Namatay noon din  ang isang pulis na kasama sa pagsisilbi ng warrant of arrest matapos barilin ng ex-Army na napatay din naganap kahapon sa Arakan, Cotabato.

Ang nasawing pulis ay kinilalang si P/SMS Rofel Manuel na nakadestino sa Arakan PNP.Habang inaalam pa ang pangalan ng suspek na umano ay dating sundalo.

Sa inisyal na report, bitbit ng Arakan PNP ang isang warrant of arrest laban sa isang dating sundalo na may kasong murder sa Brgy. Libertad, Arakan.

Namataan umano ng suspek ang paparating na mga otoridad kaya agad nitong kinuha ang kanyang armas at pinutukan ang mga pulis na kung saan ay nasapol at namatay si Manuel.

Gumanti ng putok ang mga kasamang pulis at napatay ang suspek na namatay noon din.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with